Madalas, ang dahilan kung bakit nagbibigay ng objection ang isang prospect ay dahil may mas malalim na tanong sa isipan nila na gusto nilang masagot.
Kung ikaw ang nag e-explain ng business o kung ikaw ang magbibigay ng presentation sa prospects mo, always address these first concerns ng mga prospects sa simula pa lang para ma-minimize mo ang mga objections kapag iko-close mo na ang prospect mo.
Eto yung ilan sa mga tanong o concerns na nasa likod ng isip ng mga tipikal na prospect....
1. Can I Trust You? - Alam mo ba na UNANG-UNANG nasa isipan ng mga prospects mo ay ang tanong na ito "Mapagkakatiwalaan ko ba 'tong tao na 'to?".
Sa dami ba naman ng mga nababalita sa TV at Internet na mga taong naloloko at nai-scam, very normal na lang ngayon sa isang prospect ang hindi basta-basta magtiwala.
Kaya importante na magawa mo kaagad na makapag-establish ng TRUST sa iyong prospect.
Kung ikaw ang nagpe-present ng opportunity mo sa prospect, mai-eliminate mo „tong concern na „to kung magfo-focus ka sa pagtatanong.
Kapag ikaw kasi ang nagtatanong, mas mararamdaman ng prospect mo na sincere ka kumpara sa ikaw yung salita ng salita kaka-explain sa business mo.
Be sincere and do not exaggerate claims or hype things up. Matalino
ang mga prospects mo, mararamdaman nila kung totoo ka ba sa mga sinasabi mo or nag-iimbento ka lang para lang makapag-convince.
2. Can I Do It? - Ang kadalasan na dahilan ng mga objections ay kapag ang isang prospect ay hindi naniniwala sa sarili n‟ya na kaya n‟ya yung ginagawa mo.
Tuwing gumagawa ako ng presentation, sinisigurado ko na simple at madaling intindihin ang aking explanation. Kasi alam ko na kapag nakita ng prospect mo na komplikado ang business mo, iisipin n‟ya kaagad na hindi nila kaya o mahirap ang ginagawa mo.
3. Can You Help Me? - People don't want to do things on their own. Starting a business ay isang nakakakabang idea para sa maraming tao. Make sure na ipaalam mo sa prospect mo na hindi n‟ya gagawin ang business n‟ya ng mag isa.
Siguraduhin mo na malaman ng prospect mo kung paano mo o ng team n‟yo s‟ya matutulungan at matuturuan. Ipakita mo yung game plan ng team n‟yo, yung mga tools na ginagamit n‟yo, yung mga trainings na inaaral n‟yo, etc.
Make sure din na ipakilala mo ang prospects mo sa mga key leaders ng team n‟yo. Ipaalam mo na may mga taong tutulong sa kanya para gawin ang magiging business n‟ya.
Sa mga natutunan mo ngayon dito, sana agad mong i-Apply ang Powerful Knowledge na ito and there is more to come pa para makatulong ako sa Business Opportunity mo.
To Your Success,
Coach Lee




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento