Linggo, Hunyo 26, 2016
Hindi Ko Maramdaman Ang Tuwid Na Daan!
Dati kapag nakikinig ako ng mga News sa TV, lagi kong naririnig na "Ang Gobyerno Kurakot!", "Si Senador Magnanakaw!", "Hindi Ko Maramdaman Ang Tuwid Na Daan!" yan ang palagi kong naririnig ang mga yan. Kasalanan pa nga daw ni PNoy, hahaha.
Mahirap kasi palagi na lang nilang sinisisi ang Gobyerno sa mga paghihirap sa kanilang buhay, samantalang sobrang daming Opportunities na pwede nilang kunin para magbago ang buhay nilang lahat.
Kapag walang makain pamilya nila, kasalanan ng Gobyerno.
Kapag hindi sila makakain, kasalanan ng Gobyerno.
Kapag walang makuhang Trabaho, kasalanan ng Gobyerno.
At kapag kulang ang sahod, kasalanan pa din Gobyerno.
Ang karamihan ng mga Pilipino ay palaging naninisi kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila. Samantalang sila mismo ang gumagawa ng mga bagay na nagiging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahirap pa din sila.
Bakit napakaraming mahirap sa Bansang Pilipinas? Dahil sa mga Pinoy na maliit ang utak to the point na hindi magkasya sa utak nila ang malaking bagay na ipinapasok sa utak nila. Kung baga, sobrang Close Minded ang karamihan.
Kung sino man nakakabasa nito, hindi ko ginawa ang Bilog na ito para mag mayabang sa kapwa. Ginawa ko ito para mabuksan ang isipan niyo na maraming Oportunidad na pwedeng makuha. Gaya ng pagtatayo ng sariling Negosyo.
Pero ang mas nakakalungkot, karamihan sa Pilipino ay ayaw ng Negosyo pero gusto nilang Yumaman.
Kaya nga karamihan ay nagbabakasakali na manalo sila sa Lotto. Pero ang chance naman para manalo ka sa Lotto ay sobrang liit naman. Ang nakakatawa pa nga, dahil hindi marunong mag Manage ng Pera ang mga Pilipino ay mabilis lang sa kanila maubos ang Pera. Kaya tingnan niyo ang karamihan nananalo sa Lotto, they and up being broke at walang natitira kahit singko.
May mga Pinoy na sasali ng kung ano anong Talent Show at nagbabakasakali din matatanggap sila. Pwede naman eh, pero kung wala naman silang Talent bakit pa sasali? Nagbabakasakali kasing baka heto na ang chance kong umasenso sa buhay.
Alam niyo ba kung gaano kahaba ang Pila sa Talent Show gaya ng Pilipinas Got Talent? Sobrang haba niyan dahil one time nung napadaan ako, sobrang dami kong nakitang nakapila kahit na karamihan ay hindi naman talaga o kaya wala silang Talent.
Sana dumating ang araw na ang mga Pilipino ay matutunan na buksan ang isipan at matutong hindi sisisihin ang ibang bagay o indibidwal gaya ng mga nasa Gobyerno.
Heto ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay hindi Yumayaman.
Pero ang problema din ay ayaw ng Pilipino ang Negosyo, gusto nila pagiging Empleyado. Samantala kung iisipin niyong maigi, walang Empleyadong Yumaman, Negosyante lang ang Yumayaman.
Walang masama sa pagiging isang Empleyado, ang masama talaga ay ang pagiging Utak Empleyado. Kung isa kang Empleyado, maganda yan dahil malaking natutulong mo sa ating Lipunan. Pero huwag niyong hahayaan na maging Empleyado kayo habang buhay kung gusto ninyong umasenso sa buhay.
Sa mga natutunan niyo sa aking Blog, Apply niyo yan agad sa buhay dahil ito ang magiging pundasyon sa inyong pag asenso sa buhay.
To Your Success,
Coach Lee.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento