Biyernes, Hulyo 1, 2016
Deepest Why?
Tanungin kita? Heto ba madalas na maririnig mo kanila Uplines? Tingin mo? Bakit nila iyan
pinagpipilitan sayo? Sa tingin mo ba ay totoo itong Deepest Why ang kailangan mo para
umasenso ka sa MLM Business mo? I would tell you FRANKLY na No!
Sasabihin ko sayo na oo mahalaga ang Deepest Why mo at mayroon ka na niyan bago ka pa
sumali sa ganitong klase ng Negosyo. Ang problema kasi ay ginagamit ito sa inyo ng inyong
mga Uplines just to keep you on his side. Ginagamit lang niya ang Deepest Why para I
Motivate kayong lahat.
You do not need that my friend. Hindi mo kailangan ng Deepest Why at ang tunay ma
kailangan mo ay yung HOW! Ang mga Uplines natin sa MLM Companies natin ay never
tayong tinuturuan ng How. Kapag nagtatanong tayo kung paano ba ang eksaktong sasabihin mo pag may ganito o ganyan.
Kaya karamihan ay dumadaan sa tinatawag na Trial and Error o kaya naman sa Inflation na
nangyayari sa lahat ng Network Marketers. Mas malaki ang ginagastos ng karamihan kesa sa kinikita nila sa ipinapagawa nila Uplines.
Sa totoo din kasi, sila Uplines ay nagpapalusot na lang kaya nila ginagamit itong Deepest
Why ng mga Downlines nila. Dahil ayaw nilang mapahiya na hindi nila maturuan
Professionally ang mga nagtatanong sa kanila kung paano ba talaga ang tama at eksaktong
gagawin nila.
Kahit sabihin mo pa kanila Uplines na hindi na effective ang ipinapagawa nila which is totoo
naman di ba?
Tandaan mo itong sasabihin ko ngayon. Walang masama sa Deepest Why ninyo at isa yan sa napakaganda at isang pundasyon na magagamit mo para maging isa kang Successful na Negosyante sa Industriya. Pero kung yan lang ang pinanghahawakan mo hanggang ngayon, trust me dahil sobrang tagal mong magkakaroon ng Resulta.
To Your Success,
Coach Lee
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento