Martes, Hunyo 28, 2016

How To Minimize MLM Objections?

Madalas, ang dahilan kung bakit nagbibigay ng objection ang isang prospect ay dahil may mas malalim na tanong sa isipan nila na gusto nilang masagot. Kung ikaw ang nag e-explain ng business o kung ikaw ang magbibigay ng presentation sa prospects mo, always address these first concerns ng mga prospects sa simula pa lang para ma-minimize mo ang mga objections kapag iko-close mo na ang prospect mo.

Eto yung ilan sa mga tanong o concerns na nasa likod ng isip ng mga tipikal na prospect....

1. Can I Trust You? - Alam mo ba na UNANG-UNANG nasa isipan ng mga prospects mo ay ang tanong na ito "Mapagkakatiwalaan ko ba 'tong tao na 'to?". Sa dami ba naman ng mga nababalita sa TV at Internet na mga taong naloloko at nai-scam, very normal na lang ngayon sa isang prospect ang hindi basta-basta magtiwala.

Kaya importante na magawa mo kaagad na makapag-establish ng TRUST sa iyong prospect. Kung ikaw ang nagpe-present ng opportunity mo sa prospect, mai-eliminate mo „tong concern na „to kung magfo-focus ka sa pagtatanong.

Kapag ikaw kasi ang nagtatanong, mas mararamdaman ng prospect mo na sincere ka kumpara sa ikaw yung salita ng salita kaka-explain sa business mo. Be sincere and do not exaggerate claims or hype things up. Matalino ang mga prospects mo, mararamdaman nila kung totoo ka ba sa mga sinasabi mo or nag-iimbento ka lang para lang makapag-convince.



2. Can I Do It? - Ang kadalasan na dahilan ng mga objections ay kapag ang isang prospect ay hindi naniniwala sa sarili n‟ya na kaya n‟ya yung ginagawa mo.

Tuwing gumagawa ako ng presentation, sinisigurado ko na simple at madaling intindihin ang aking explanation. Kasi alam ko na kapag nakita ng prospect mo na komplikado ang business mo, iisipin n‟ya kaagad na hindi nila kaya o mahirap ang ginagawa mo.



3. Can You Help Me? -  People don't want to do things on their own. Starting a business ay isang nakakakabang idea para sa maraming tao. Make sure na ipaalam mo sa prospect mo na hindi n‟ya gagawin ang business n‟ya ng mag isa.

Siguraduhin mo na malaman ng prospect mo kung paano mo o ng team n‟yo s‟ya matutulungan at matuturuan. Ipakita mo yung game plan ng team n‟yo, yung mga tools na ginagamit n‟yo, yung mga trainings na inaaral n‟yo, etc.

Make sure din na ipakilala mo ang prospects mo sa mga key leaders ng team n‟yo. Ipaalam mo na may mga taong tutulong sa kanya para gawin ang magiging business n‟ya.



Sa mga natutunan mo ngayon dito, sana agad mong i-Apply ang Powerful Knowledge na ito and there is more to come pa para makatulong ako sa Business Opportunity mo.

To Your Success,

Coach Lee

Lunes, Hunyo 27, 2016

Top 5 Most Unprofessional Old School Methods In Network Marketing

Sa Blog na ito, ipapaalam ko sa inyong lahat ang mga limang bagay na dapat ay iwasan niyong gawin sa MLM o iwasan ang mga taong gumagawa ng mga ganito. If ever na may ma Encounter kayong ganito! Red Flag! DO NOT JOIN THEM!

1. Hype Marketing - Noong naimbitahan ako sa ganitong klase ng Business, isa sa mga naririnig ko na itinuturo ng mga Trainors sa MLM namin ay dapat daw magaling akong mang Hype ng mga tao. Kailangan baliwin ko sila sa Kitaan para mabilis silang sumali sa Opportunity na inaalok namin.

Pero sasabihin ko sayo na hindi talaga dapat gumamit ng Hype at mga Over Exaggerated Claims gaya ng "Sali ka na Dito! Dahil kapag naunahan mo lahat ng sasali sa amin this week! Ilalagay ko yan Under Mo!" para lang mag Join sila.

Sa mga gumagawa niyan, umaabot lang ng 3% ang hindi nagsisinungaling na maglalagay talaga sila ng Spill Over para makapag Join ng mga tao. Tanong ko sayo? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo kapag sinusubukan mong magsinungaling sa mga Prospects mo?



2. Pusakal Or Kidnapping - Heto para sa akin ang pinaka Unprofessional na itinuturo ng mga Mentors ng mga MLM Companies. Karamihan ng tao na madadala sa ganitong System ay ang mga taong hindi talaga sasali sayo. Alam mo kung bakit ayaw nila sumali? Hindi yan dahil sa wala silang Pera o hindi ka nila mahal. Yan ay dahil nawalan sila ng Trust in you.

Tama yan, nawalan sila ng tiwala sayo dahil sa una pa lang, pakiramdam nila ay niloloko mo lang sila. Paano ba nila masasabi na maganda ang alok mo kung sa ganyang paraan mo sila idinala sa Kumpanya ninyo? Tandaan mo kaibigan, walang Negosyante na nangingidnap ng kanilang Customers sa kanilang Opportunity. Dahil isa yan sa pinaka Unprofessional na magagawa mo sa kanilang lahat.

Para maintindihan mo ng maigi, tatanungin kita ng ilang mga Questions. Kilala mo ba si Henry Sy?Malamang kilala mo siya dahil yan ang may ari ng SM. Minsan ba ay nakita mo si Henry Sy sa labas ng SM at nangingidnap ng mga tao para pilitin silang pumasok sa loob ng SM? Hindi di ba? Kasi alam niyang Unprofessional ang ganung gawain and I want you to think about it na ayaw ng mga tao na naiisahan sila. Kaya ayaw nilang sumali sa inaalok mo, dahil nawalan sila ng tiwala sa ginawa mo.



3. Flyering - Sa panahon ngayon ay hindi na talaga Effective ang pamimigay ng Flyers sa mga tao. Think about it, dahil kapag sakaling Successful kang nakakapagbigay ng Flyers, hindi mo rin sigurado na babasahin nila.

Pwede na ang mga mabibigyan mo ay mababasa, pero pagtalikod mo pupunitin at itatapon lang nila. Pwedeng mabasa nila at papasok agad sa kanilang mga isipan ang ganitong bagay na "Kapag nag Join ako sa kanya? Siguradong gagawin ko din ginawa niya. Wag na lang, baduy!".

Kahit na hindi niya ito banggitin sayo o pilitin mo pa siyang sabihin sayo ang iniisip niya ay hindi na ito mawawala. Dahil sa negative agad iniisip niya, negative na siya sa inaalok mo hanggang sa huli.



4. Spam Book AKA Spam Facebook - Tandaan niyo na ang Facebook ay hindi nilikha para magbenta kayo o mag Tag ng kung sino sinong hindi niyo naman kakilala. Kung ikaw mismo ay napanood mo ang Movie na "The Social Network" ay siguradong naiintindihan mo kung bakit nilikha ni Mark Zuckerberg ang Facebook

 Ang Facebook ay inilikha niya para matutunan ng mga Tao na makipag Socialized sila gamit ang kanilang Website. Kung naabutan ninyo dati ang kaaway ng Facebook na si Friendster, sigurado nagtataka kayo kung bakit ito biglang naglaho ng parang bula. Ang tunay na dahilan talaga kung bakit nawala ang Friendster ay dahil sa Tag. Ang Facebook meron din ganyan, pero kumpara sa Friendster ay masyadong maluwag ang kanilang Policies.

Kaya ginawa ang Tag, para kung sakali ang nag Upload ng Pictures ay mayroong kasama sa Pictures niya, pwede niyang i-Tag ang tao na iyon para hindi na niya kailangan i-Upload ang Pictures. Sobrang higpit ng Policies ng Facebook na dapat talaga ay sinusunod ng mga Users. Pero karamihan ng mga ito ay bigla bigla silang nagta-Tag ng mga taong di nila kakilala papunta sa kanilang MLM Business nila. Kaya tuloy nagagawa ng Facebook na i-Shutdown ang mga Users nito. Nakaka inis ang pakiramdam ng mga Tao at ang masaklap pa nito ay kapag ni Report ka ng taong na Tag mo sa Facebook, hindi mo namamalayan na kung bakit ka nga ba talaga na Suspend or worse ay Shutdown Permanently.



5. Disguising Ads - Karamihan na nakikita ko ngayon ay hindi na nila ginagamit ang salitang Business Opportunity para ma Promote ang kanilang Business Opportunity but instead ay gumagawa sila ng mga Ads na wala naman talaga sa kanilang ino Offer. Karamihan ay naglalagay sila ng Part Time Job or Earn Up To 5k Monthly.

Ang masasabi ko sa mga gumagawa ng ganito ay "Goodluck" lang. 99% na madadala nila ay hindi talaga sasali, dahil una sa lahat ay hindi muna inalam kung kailangan ba talaga nila ang Opportunity at hindi naman Business Opportunity ang habol nila, kundi Employment.

Bakit ka mag aalok sa tao na alam mo naman na hindi iyon ang kanilang hinahanap? Di ba mas maganda sana kung aalukin lang natin ay ang mga taong mayroong kailangan sa Business Opportunity natin? Sa totoo lang ay pinahihirapan mo lang ang sarili mo na alukin ang mga tao na walang pake sa ipinapakita mo sa kanilang harapan. May mga mas madaling Method at Professional System na pwede mong magamit para maka alok ng Business Opportunity mo na hindi mo na kailangan gumawa ng mga Jargons para mapansin ka lamang nila.



To Your Success,

Coach Lee


Linggo, Hunyo 26, 2016

Hindi Ko Maramdaman Ang Tuwid Na Daan!


Dati kapag nakikinig ako ng mga News sa TV, lagi kong naririnig na "Ang Gobyerno Kurakot!", "Si Senador Magnanakaw!", "Hindi Ko Maramdaman Ang Tuwid Na Daan!" yan ang palagi kong naririnig ang mga yan. Kasalanan pa nga daw ni PNoy, hahaha.




Mahirap kasi palagi na lang nilang sinisisi ang Gobyerno sa mga paghihirap sa kanilang buhay, samantalang sobrang daming Opportunities na pwede nilang kunin para magbago ang buhay nilang lahat.

Kapag walang makain pamilya nila, kasalanan ng Gobyerno.

Kapag hindi sila makakain, kasalanan ng Gobyerno.

Kapag walang makuhang Trabaho, kasalanan ng Gobyerno.

At kapag kulang ang sahod, kasalanan pa din Gobyerno.

Ang karamihan ng mga Pilipino ay palaging naninisi kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila. Samantalang sila mismo ang gumagawa ng mga bagay na nagiging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahirap pa din sila.

Bakit napakaraming mahirap sa Bansang Pilipinas? Dahil sa mga Pinoy na maliit ang utak to the point na hindi magkasya sa utak nila ang malaking bagay na ipinapasok sa utak nila. Kung baga, sobrang Close Minded ang karamihan.

Kung sino man nakakabasa nito, hindi ko ginawa ang Bilog na ito para mag mayabang sa kapwa. Ginawa ko ito para mabuksan ang isipan niyo na maraming Oportunidad na pwedeng makuha. Gaya ng pagtatayo ng sariling Negosyo.


Pero ang mas nakakalungkot, karamihan sa Pilipino ay ayaw ng Negosyo pero gusto nilang Yumaman.

Kaya nga karamihan ay nagbabakasakali na manalo sila sa Lotto. Pero ang chance naman para manalo ka sa Lotto ay sobrang liit naman. Ang nakakatawa pa nga, dahil hindi marunong mag Manage ng Pera ang mga Pilipino ay mabilis lang sa kanila maubos ang Pera. Kaya tingnan niyo ang karamihan nananalo sa Lotto, they and up being broke at walang natitira kahit singko.




May mga Pinoy na sasali ng kung ano anong Talent Show at nagbabakasakali din matatanggap sila. Pwede naman eh, pero kung wala naman silang Talent bakit pa sasali? Nagbabakasakali kasing baka heto na ang chance kong umasenso sa buhay.

Alam niyo ba kung gaano kahaba ang Pila sa Talent Show gaya ng Pilipinas Got Talent? Sobrang haba niyan dahil one time nung napadaan ako, sobrang dami kong nakitang nakapila kahit na karamihan ay hindi naman talaga o kaya wala silang Talent.





Sana dumating ang araw na ang mga Pilipino ay matutunan na buksan ang isipan at matutong hindi sisisihin ang ibang bagay o indibidwal gaya ng mga nasa Gobyerno.

Heto ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay hindi Yumayaman.


Pero ang problema din ay ayaw ng Pilipino ang Negosyo, gusto nila pagiging Empleyado. Samantala kung iisipin niyong maigi, walang Empleyadong Yumaman, Negosyante lang ang Yumayaman.

Walang masama sa pagiging isang Empleyado, ang masama talaga ay ang pagiging Utak Empleyado. Kung isa kang Empleyado, maganda yan dahil malaking natutulong mo sa ating Lipunan. Pero huwag niyong hahayaan na maging Empleyado kayo habang buhay kung gusto ninyong umasenso sa buhay.

Sa mga natutunan niyo sa aking Blog, Apply niyo yan agad sa buhay dahil ito ang magiging pundasyon sa inyong pag asenso sa buhay.

To Your Success,

Coach Lee.



Biyernes, Hunyo 24, 2016

Find Out The 4 Reasons Why Today Is The Best Time Ever In Network Marketing.


Kung ikaw ay matagal na sa Network Marketing, marahil ang lahat ng Impormasyon na babanggitin ko dito sa aking Blog ay dapat mong malaman.


"Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para pumasok ka sa Network Marketing Business".

Kadalasan, kapag naririnig ko ito ay palagi akong nawawala sa aking sarili to the point na parang ito na ang pinakamasamang bagay na nararanasan ko ngayon.

Ang ibig kong sabihin ay ito nga ba talaga ang natatamang panahon para umangat ka sa kanilang lahat? Matapos ang pagsasara ng kumpanya o kaya naman si Upline ay iniwanan ka para lumipat sa kabila? Marahil ay iniisip mo na siguro ay "Hindi".

Pero huwag kang mag alala dahil para sabihin ko sayo, ito na talaga ang tamang panahon sumali ka sa Network Marketing Business.

Heto ang mga Advice na maibibigay ko sayo kapag sumali ka na ngayon sa isang Network Marketing Business.

1. Phone Call Is Dead - Sa panahon ngayon, hindi mo ng kailangan tawagan ang mga Kakilala, Kamag Anak, at Kaibigan mo dahil lumang Strategy na ang ganyan. At sa panahon ngayon, hindi mo na sila kailangan para lumago ang Negosyo mo. Pero kung ganyan pa din itinuturo sayo nila Uplines and Mentors mo hanggang ngayon? Advice ko lang sayo ay humanap ka ng ibang Uplines na magtuturo sayo papunta sa makabagong MLM System, hindi ang paggamit ng Prospect List dahil sasayangin mo lang ang Time mo.


2. Social Media has made our world a lot smaller. - Sa mga Oras na ito ay kayang kaya kong I-Promote ang Opportunity na inaalok ko sa mga mahigit 25+ Countries and Continents. Ang buong mundo ay hawak mo na sa mga kamay mo kapag n a tutunan mong mag Market ng tama sa Internet.


3. The Search Engines - Gamit ang tamang Key Words, madaling makikita ng mga mga Target Market mo ang mga Products and Services na iyong ipinopromote. Hindi mo na kailangan mag Spambook or Mangidnap gaya ng mga itinuturo sayo nila Uplines at Mentors, dahil ang mga tao na mismo ang naghahanap ng mga Opportunity mo ngayon. Kailangan mo lang ng tamang tao na magtuturo sayo kung paano ang tamang paraan sa paggamit ng Internet Marketing.


4. Pure Home Based Business Opportunity - Karamihan ng mga Network Marketer ay sinasabi nila sa mga tao na isa itong Home Based Business. Pero alam mo naman sigurong hindi talaga totoo sinasabi ng karamihan na isa nga itong Home Based Business Opportunity. Tama ba ako? Heto ang tanong ko? Kung isa nga itong Home Based Business Opportunity? Bakit kailangan kang papuntahin nila Uplines, and Cross Lines sa Office? Pero alam mo ba? Pwede naman talagang gawin ang Negosyo kahit wala ka sa Office, ang kailangan mo lang talaga ay Internet Marketing System. Pero alam mo bang bihira lang ang mga taong nakakaalam nito sa Industriya? Ang dapat mo pang gawin simula ngayon, hanapin ang tamang Mentors and Coach na magtuturo sayo ng Internet Marketing System.


Sana, mayroon kang natutunan sa mga Topics na binanggit ko. Wag ko sanang kalilimutan na Apply mo na kaagad ang mga 4 Guidelines na ibinigay ko sayo, para nang sa ganun ay magkaroon ka na ng Massive Results diyan sa ginagawa mo.

To Your Success,

Coach Lee