About Me


Hi ako nga pala is Lee Martin Ifurung and I am from Quezon City. Isa akong Undergraduate at isa rin akong Unemployed. Sinubukan kong maghanap ng matinong trabaho, pero walang kahit na sinong gusto sa mga kagaya kong Undergrad.

Nung una akong namulat sa ganitong Industriya, wala akong alam. Na imbitahan ako ng isa kong School sa Ill Terazo Mall sa Tomas Morato noong 2011. Nung napanood ko ang Video Presentations at yung nakaka aliw na Speaker that time, nagustuhan ko ang Networking.

Pero sa kasamaang palad, hindi ako agad sumali dahil sa daming tanong sa aking isipan. Kaya ang ginawa ko noon ay sinubukan kong pag aralan ang Background ng Company na napuntahan ko noong 2011.

Matapos kong makita ang mga bagay na magkukumbinsi sa akin na maganda talaga ang MLM, sinubukan kong humanap ng magiging Sponsor ko.

Hanggang sa may nakilala akong Babaeng Estudyante na 17 yrs old mula sa Fatima University sa Valenzuela. Nagtanong ako kung magkano ang kinikita niya every week, para malaman ko kung matuturuan niya ba ako talaga.

She answered "5K weekly daw kinikita niya" at namangha ako at nagpakumbinsi sa kanya. Pero huli ko na nalaman na hindi pala totoo yung sinabi niya sa akin na kumikita siya, dahil sa katunayan ay ako pa mismo ang una niyang Recruit.

Ano nga ba magagawa ko eh nakabayad na naman ako sa Cashier ng aking Pay In. Kinalimutan ko na lang na nagsinungaling siya na kumikita na siya every week at nakinig na lang ako sa mga Uplines ko kung anong gagawin ko para mabawi inilabas ko.

Sabi nila Uplines, maglista daw ako sa Papel ng mga KKK (Kakilala, Kamag Anak at Kaibigan). Mas kilala ng lahat sa tawag na Prospect List. Hindi nila ako binigyan ng magandang Advice kung paano ko sila dadalhin sa Office, basta sabi lang daw Kidnap lang daw.

Ginawa ko siya, pero lahat ng mga nadala ko ay hindi nag Join. Nung sinabi ko sa kanilang wala na akong ma Invite, ready na daw ako sa tinatawag nilang Program o mas kilalang Spambook dahil ang pinagawa sa akin ay magpadala ng mga Random Messages sa mga Facebook Users.

Pero ang masama pa nga dito ay kailangan wag ko silang Invite na Business Opportunity, kung baga ang Invitation namin ay Employment. Kaya tuloy puro Rejections ang napapala ko.
Dumating ang mga dalawang taon, anim mga napasali ko. At dumating din ang time na palagi akong naba Blocked sa Facebook. Kung baga, hindi na ako makapag Invite.

Tinanong ko si Upline kung pwede ba akong mag Invite na ang paraan ng pag Promote ko ay Business Opportunity. Pero sabi ni Upline wag daw, dahil mas maraming tao na naghahanap ng Employment kesa Business Opportunity.

Sinabi ko din na hindi na Effective ang pinapagawa sa akin, pero sabi nila Effective daw dahil ganun ang ginagawa nila. Sinubukan ko din mamigay ng Flyers mula SM North hanggang Quezon Avenue, pero walang nangyayari.

Nagising na lang ako sa katotohanan na ayoko na talaga. Hanggang sa huminto ako ng mahigit tatlong taon. Bumalik ako sa pagiging tambay sa loob ng bahay. Sinubukan kong gumawa ng mga bagay na makakapagpalimot sa akin sa Kumpanya na nasalihan ko.

Sinubukan kong gumawa ng Story sa Wattpad at may mga nakakabasa naman ng gawa ko at lahat sila gusto ng gawa ko, pero hindi din ma Published dahil ang gusto ng mga Publishing House ay kailangan daw sikat ako sa Wattpad.

So I've decided na gusto kong bumalik sa Business pero this time gusto kong sigurado akong maganda ang papasukin kong Kumpanya. Sumubok ako ng iba ibang Kumpanya, pero hindi naging maganda kinalabasan.

May nagsara at may iba naman ay pareho lang itinuturo sa akin ng napapasukan ko. Hanggang sa makita ko ang Attraction Marketing System at nakilala ko ang isang tao mula sa Facebook na gumagawa ng ganitong System.

Bumili din ako ng Sponsor More Downlines ni Eduard Reformina, para naman kung papasok ako muli sa Industriya ay tama na lahat ng ginagawa ko.

Nakita ko ang kagandahan ng Ignition Marketing at sumali ako doon sa nakilala ko sa Facebook at kahit na hindi pa ako kumikita ng Income na gusto kong kitain, sulit naman yung mga nakukuha kong Professional na System na itinuturo sa akin ng mga Mentors doon.

Nalaman ko din na kaya pala ako hirap na hirap dati ay dahil 97% na itinuturo sa akin noon ay mga Old School na at hindi na Effective sa panahon ngayon.

Walang kahit na sinong magtuturo sa inyo sa Kumpanya ninyo ng System na natuklasan ko at kung ang tingin mo din ay Curious kang malaman kung ano ang Attraction Marketing, handa ko kayong tulungan sa abot ng aking makakaya.

To Your Success,

Coach Lee.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento