Lunes, Hunyo 27, 2016

Top 5 Most Unprofessional Old School Methods In Network Marketing

Sa Blog na ito, ipapaalam ko sa inyong lahat ang mga limang bagay na dapat ay iwasan niyong gawin sa MLM o iwasan ang mga taong gumagawa ng mga ganito. If ever na may ma Encounter kayong ganito! Red Flag! DO NOT JOIN THEM!

1. Hype Marketing - Noong naimbitahan ako sa ganitong klase ng Business, isa sa mga naririnig ko na itinuturo ng mga Trainors sa MLM namin ay dapat daw magaling akong mang Hype ng mga tao. Kailangan baliwin ko sila sa Kitaan para mabilis silang sumali sa Opportunity na inaalok namin.

Pero sasabihin ko sayo na hindi talaga dapat gumamit ng Hype at mga Over Exaggerated Claims gaya ng "Sali ka na Dito! Dahil kapag naunahan mo lahat ng sasali sa amin this week! Ilalagay ko yan Under Mo!" para lang mag Join sila.

Sa mga gumagawa niyan, umaabot lang ng 3% ang hindi nagsisinungaling na maglalagay talaga sila ng Spill Over para makapag Join ng mga tao. Tanong ko sayo? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo kapag sinusubukan mong magsinungaling sa mga Prospects mo?



2. Pusakal Or Kidnapping - Heto para sa akin ang pinaka Unprofessional na itinuturo ng mga Mentors ng mga MLM Companies. Karamihan ng tao na madadala sa ganitong System ay ang mga taong hindi talaga sasali sayo. Alam mo kung bakit ayaw nila sumali? Hindi yan dahil sa wala silang Pera o hindi ka nila mahal. Yan ay dahil nawalan sila ng Trust in you.

Tama yan, nawalan sila ng tiwala sayo dahil sa una pa lang, pakiramdam nila ay niloloko mo lang sila. Paano ba nila masasabi na maganda ang alok mo kung sa ganyang paraan mo sila idinala sa Kumpanya ninyo? Tandaan mo kaibigan, walang Negosyante na nangingidnap ng kanilang Customers sa kanilang Opportunity. Dahil isa yan sa pinaka Unprofessional na magagawa mo sa kanilang lahat.

Para maintindihan mo ng maigi, tatanungin kita ng ilang mga Questions. Kilala mo ba si Henry Sy?Malamang kilala mo siya dahil yan ang may ari ng SM. Minsan ba ay nakita mo si Henry Sy sa labas ng SM at nangingidnap ng mga tao para pilitin silang pumasok sa loob ng SM? Hindi di ba? Kasi alam niyang Unprofessional ang ganung gawain and I want you to think about it na ayaw ng mga tao na naiisahan sila. Kaya ayaw nilang sumali sa inaalok mo, dahil nawalan sila ng tiwala sa ginawa mo.



3. Flyering - Sa panahon ngayon ay hindi na talaga Effective ang pamimigay ng Flyers sa mga tao. Think about it, dahil kapag sakaling Successful kang nakakapagbigay ng Flyers, hindi mo rin sigurado na babasahin nila.

Pwede na ang mga mabibigyan mo ay mababasa, pero pagtalikod mo pupunitin at itatapon lang nila. Pwedeng mabasa nila at papasok agad sa kanilang mga isipan ang ganitong bagay na "Kapag nag Join ako sa kanya? Siguradong gagawin ko din ginawa niya. Wag na lang, baduy!".

Kahit na hindi niya ito banggitin sayo o pilitin mo pa siyang sabihin sayo ang iniisip niya ay hindi na ito mawawala. Dahil sa negative agad iniisip niya, negative na siya sa inaalok mo hanggang sa huli.



4. Spam Book AKA Spam Facebook - Tandaan niyo na ang Facebook ay hindi nilikha para magbenta kayo o mag Tag ng kung sino sinong hindi niyo naman kakilala. Kung ikaw mismo ay napanood mo ang Movie na "The Social Network" ay siguradong naiintindihan mo kung bakit nilikha ni Mark Zuckerberg ang Facebook

 Ang Facebook ay inilikha niya para matutunan ng mga Tao na makipag Socialized sila gamit ang kanilang Website. Kung naabutan ninyo dati ang kaaway ng Facebook na si Friendster, sigurado nagtataka kayo kung bakit ito biglang naglaho ng parang bula. Ang tunay na dahilan talaga kung bakit nawala ang Friendster ay dahil sa Tag. Ang Facebook meron din ganyan, pero kumpara sa Friendster ay masyadong maluwag ang kanilang Policies.

Kaya ginawa ang Tag, para kung sakali ang nag Upload ng Pictures ay mayroong kasama sa Pictures niya, pwede niyang i-Tag ang tao na iyon para hindi na niya kailangan i-Upload ang Pictures. Sobrang higpit ng Policies ng Facebook na dapat talaga ay sinusunod ng mga Users. Pero karamihan ng mga ito ay bigla bigla silang nagta-Tag ng mga taong di nila kakilala papunta sa kanilang MLM Business nila. Kaya tuloy nagagawa ng Facebook na i-Shutdown ang mga Users nito. Nakaka inis ang pakiramdam ng mga Tao at ang masaklap pa nito ay kapag ni Report ka ng taong na Tag mo sa Facebook, hindi mo namamalayan na kung bakit ka nga ba talaga na Suspend or worse ay Shutdown Permanently.



5. Disguising Ads - Karamihan na nakikita ko ngayon ay hindi na nila ginagamit ang salitang Business Opportunity para ma Promote ang kanilang Business Opportunity but instead ay gumagawa sila ng mga Ads na wala naman talaga sa kanilang ino Offer. Karamihan ay naglalagay sila ng Part Time Job or Earn Up To 5k Monthly.

Ang masasabi ko sa mga gumagawa ng ganito ay "Goodluck" lang. 99% na madadala nila ay hindi talaga sasali, dahil una sa lahat ay hindi muna inalam kung kailangan ba talaga nila ang Opportunity at hindi naman Business Opportunity ang habol nila, kundi Employment.

Bakit ka mag aalok sa tao na alam mo naman na hindi iyon ang kanilang hinahanap? Di ba mas maganda sana kung aalukin lang natin ay ang mga taong mayroong kailangan sa Business Opportunity natin? Sa totoo lang ay pinahihirapan mo lang ang sarili mo na alukin ang mga tao na walang pake sa ipinapakita mo sa kanilang harapan. May mga mas madaling Method at Professional System na pwede mong magamit para maka alok ng Business Opportunity mo na hindi mo na kailangan gumawa ng mga Jargons para mapansin ka lamang nila.



To Your Success,

Coach Lee


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento