Biyernes, Hulyo 1, 2016
Lahat Ng Tao Ay Prospect Mo!
Naguguluhan ako nung sinabi sa akin ito nila Uplines sa akin. Nung unang beses ko nakita ang ganitong Business Opportunity ay akala ko talaga totoo ito. Hindi ko alam na mayroon palang masamang Reputasyon ang MLM Business sa Pilipinas.
Sabi sa akin nila Uplines! Invite lang daw ako ng Invite! Lahat naman daw gustong kumita ng malaking Pera.
Hindi naman mali sila Uplines sa sinabi nila sa akin, ang kaso ay ang mali lang talaga sa sinabi nila Uplines ay yung "Lahat ng mga tao magugustuhan ang ganitong Business Opportunity" kaya ako naman sunod sunuran lang.
Kada Business Opportunity Meeting, pina Power nila na madali lang mag Invite dahil ika nga eh kung Birthday nakaka invite ka. Bakit ka ba daw mahihirapan mag Invite? Kaya pumapasok sa isipan ng karamihan ay lahat ng tao na makakausap nila ay Market nila talaga.
Never nilang tinuturuan ang mga tao kung papaano ba talaga ang tamang paraan sa pag Promote ng mga Products and Services ng MLM nila. Kaya may salitang Marketing sa pangalan ng Industriya, para mag Market ka. Ang ibig kong sabihin ay dapat mamili ka lang ng mga karapat dapat mong dalhin.
Pero ang problema nga lang, sabi nila Uplines ay huwag kang mamimili ng taong dadalhin mo sa iyong Opportunity.Kaya tuloy karamihan ng mga Networkers ay nauuwi sa pagkausap ng mga taong hindi naman talaga interesado sa kanilang Kumpanya.
Lahat ng klaseng Invitation na itinuturo nila ay mga pang 1970's pa. It means sobrang Old School na talaga at hindi na angkop sa panahon ngayong 21st Century na. Examples lang ng mga ito ay ang Hype/Baliwan, Kidnapping, Flyering, Calling Card, Strangering/Pusakal or Spambook AKA Spam Facebook.
May kasabihan nga sa mundo ng Marketing at marahil ay hindi mo pa ito naririnig.
"If You Are Not Targeting Your Market, You Are Marketing To Everyone, And If You Are Marketing To Everyone, You Ends Up Marketing To No One".
Makes sense na ba? At ang isa pang dahilan ay kung bakit hindi nagkakaroon ng magandang Resulta ang karamihan ay dahil sa hindi pa nila narealize kung bakit karamihan ng tao ay Negative sa ganitong Industriya.
Heto ang mga importanteng bagay na kailangan mong maintindihan kung bakit hindi mo kailangan na kausapin ang lahat ng tao. Kahit ano pang ganda ng Network Marketing at ng Opportunity mo...
May mga tao talaga na sadyang Negative pag dating sa Networking, pwede mong sayangin ang oras mo para iconvince sila para maging positive sa Networking (This could really take along time) o ilaan mo na lang ang oras mo para maghanap ng mas qualified na prospect.
Normal sa Tao ang hindi basta basta nagtitiwala sa hindi nilakakilala lalo na pag may involve na perang ilalabas. Ayaw nila ng pagbabago sa buhay nila.
Pag naging Networker ka kasi marami kang pagbabagong gagawin sa buhay mo. Pananaw, pananamit, pakikipag usap.. Etc... Kahit nga kaibigan mo or yung mga madadalas mong kasama ay magbabago. Some people are just not willing to change.
Maraming tao ang kuntento na sa kung ano man ang pinagkakaabalahan nila.
May mga taong naniniwala sa kasabihan na Money Is The Root Of All Evil.
May mga taong marami na talagang pera at wala nang balak humanap ng bagong pagkakakitaan.
May mga taong takot maging mayaman.
May mga taong wala talagang perang pampuhunan.
May mga taong ayaw ng kahit anong gawain na may involve na Capital o Puhunan. Ayaw nila ng Risk.
May mga tao na hate na hate magbenta.May mga taong hindi talaga interesadong mag negosyo.May mga taong kuntento na sa pagiiging Empleyado.
May mga tao na kahit anong gawin mo ay walang pakialam at ang gusto lang gawin ay
manuod ny teleserye at kung ano anong palabas sa TV..
Baka dahil dito sabihan mo akong Negative? Sa totoo lang, yung mga magsasabi sa akin na
Negative ang sinasabi ko. Sila ang tunay na Negative at ito talaga ang dapat niyong
MaRealize.
Marami Kang Sasayanging Oras at Effort na Sana ay Inilaan Mo Nalang sa Mga Mas
Karapatdapat at Mga Interesadong Tao.
To Your Success,
Coach Lee
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento